TUMANGGAP ng parangal ang Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. kasama si Supt. Teresita V Escamillan, na kasalukuyang hepe ng District Community Affairs and Development Division nitong Miyerkoles sa ginanap na ika-23 culminating ceremony ng Police Community Relations (PCR) na isinagawa sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.
Ang QCPD ay pinarangalan bilang outstanding Police District habang si Escamillan ay most outstanding Senior Police Commissioned Officer at nakatanggap ng plaque of recognition.
Ang naturang plake ay ibinigay kasama si Police Director Eduardo Serapio Garado na siyang guest of honor at speaker sa naturang programa matapos ang nakasanayang Monday flag raising ceremony at oath taking ng mga newly elected officers of the NCRPO Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE).
Ngayong taon din sinasabing ang tema ng PCR Month ay “ Tapat na Serbisyo at Paglilingkod ng Kapulisan Kaagapay ang Mamamayan, Hatid ay Kaunlaran.”
Ang naturang award naman ay inaalay ni Esquivel sa QCPD dahil sa collaborative efforts ng mga tauhan nito. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.