QCPD CHIEF ORDERS CRACKDOWN VS JUETENG

Jueteng

IPINAG-UTOS kahapon ni Quezon City Police District director P/Brig. Gen Ronnie Montejo ang malawakang pagbuwag sa lahat ng illegal gambling partikular na ang jueteng kung saan nag-isyu ito ng stern warning laban sa  operators na tigilan ang pagdawit sa kanyang pangalan.

Naglunsad ng “Oplan Bolilyo at Salikop” ang mga operatiba ng pulisya laban sa jueteng sa bahagi ng No. 8, K-6 Street, Brgy. Kamuning, Quezon City kahapon.

Pinangunahan nina P/Capt. Edwin Fuggan ng QCDFU; Police Station 10 ni P/Lt. Col Bernouli  D. Abalos at District Special Operations Unit (DSOU-QCPD) ni P/Maj Fortunato Ty Ecle sa ilalim ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pamumuno ni P/LtCol Robert Domingo, sinuyod ang pinagpupugaran ng illegal gambling sa nasabing lugar.

Nasakote  ng mga operatiba ng pulisya ang 2 bet collectors,  3 bettors, P3,290.00 bet money, illegal gambling paraphernalia kung saan kakaduhan ng paglabag sa Republic Act 9287 (Illegal Number Games).

Isinailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Porferio Laluces y Bayta Jr, 51; Crisanto Bueno y Sumatra, 53; Mario Santos y Deguzman, 54; Crispin Catacutan y Paras, 39; at si Edwin Nagañio y Santos, 50, pawang nakatira sa Barangay Kamuning at sinasabing miyembro ng “HARRIS at GILBERT Group” na sangkot sa illegal gambling sa nasabing lungsod.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ang illegal numbers game ay pinondohan ng nagngangalang James at Rex na kasabwat ng grupo ni-na Baby Brutus, Pinong, Pining at Dante Doleng.

Nagbigay na ng direktiba ang QCPD chief sa lahat ng stations commanders na buwagin sa lalong madaling panahon ang  illegal gambling operations sa kanilang nasasakupang lugar at kasuhan ang sinumang sangkot pasugalan.

Comments are closed.