(QCPD director kumilos sa ultimatum ni Mayor Belmonte) ANTI-ILLEGAL GAMBLING DRIVE SA QC PINAIGTING

Sugal

MAKARAANG ipag-utos ni Philippine National Police Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa na paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na sugal sa Quezon City, umabot na sa 37 katao ang nasampolan.

Ayon kay QCPD Director, Police Brigadier General Ronnie Montejo, mismong mga concerned citizen ang nagnguso sa nang-yayaring ilegal na tupada sa Makabayan Street sa Barangay Obrero.

Sinalakay ito ng mga ope­ratiba ng police station 10 na nagresulta sa pagkaaresto nina Joy Rufino at Ronald Pasco habang na-katakbo ang ibang mananaya.

Nakumpiska sa tupada ang dalawang panabong at bet money na P510.

Sinabi pa ni Montejo na sa  sumunod na operasyonsa sa Barangay Escopa at Brgy. Project 4 ay may mga nadakip din.

Ang mga inaresto ay naglalaro ng lucky 9, pusoy at tong-its at nakuha sa kanila ang playing cards at P1,422 bet money.

Sa sumunod na operasyon sa Brgy. Payatas B, pitong suspek ang inaresto habang nango­ngolekta ng taya para sa EZ 2, kung saan nakakumpiska ng P2,630 cash at gambling paraphernalia.

Siyam katao naman ang naaresto sa cara y cruz, ayon kay Montejo.

Dalawampu’t siyam na video karera naman ang nakumpiska ng Novaliches police station sa magkakahiwalay na operasyon.

Magugunitang nagdeklara si Belmonte ng all-out war laban sa anumang uri ng ilegal na sugal sa lungsod. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.