QCPD HANDA NA SA ALL SAINTS’, ALL SOULS’ DAY

QCPD

TINIYAK ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Supt. Joselito  Esquivel Jr. na handa na silang bigyan ng seguridad ang nasasakupan para sa paggunita sa Undas.

“As early as October 26, 2018, policemen will be deployed to different cemeteries and columbarium to ensure security of those who will pay respect to their dead, around 1,305 policemen will be deployed to man six (6) cemeteries and 16 columbarium in Quezon City,” ayon kay Esquivel.

Bukod sa uniformed personnel, katuwang din ang mga miyembro ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Public Order and Safety (DPOS) at iba pang force multipliers gayundin ang mga K9  o sniffing dogs  para matiyak ang kaligtasan ng mga magtutungo sa pantiyon o sementeryo.

Paalala naman ng he­neral na maging maingat din sakaling iwan ang bahay gaya nang isarang mabuti ito at ipagbilin upang hindi maakit ang mga magnanakaw.

Tiniyak din ni Esquivel na sa darating na Undas ay mananatili ang kapayapaan sa kanyang nasasakupang lugar.         PAULA ANTOLIN