TUMANGGAP ang Quezon City Police District ng Special Award ang Quezon City Police District sa ilalim ng pamumuno ni BGen Nicolas Torre III kahapon dahil sa kauna-unahan at inisyatibo ng Distrito sa pinamumunuan nitong “3 Minute Quick Response Team” .
Pinarangalan ang QCPD, dahil na rin sa pagsisikap nitong mapabilis at mapabuti ang pagtugon ng pulisya sa mga insidente ng krimen sa lungsod.
Matatagpuan ang Integrated Command Control Center (ICCC) QCPD na isang makabagong pasilidad na naglalayong makamit ang Three-Minute Response Time (3MRT) ng pulisya.
Dahil dito, matatagpuan sa mga fixed points o kalapit na lugar para sa anumang naiulat na insidente ng krimen na maaaring gayahin sa buong bansa .
Sa pamamagitan ng QC Helpline 122, ang District Tactical Operation Center ay nagpapadala ng mga patroller kapag natanggap nito ang tawag at agad tutugon sa lugar ng mga insidente sa loob ng tatlong minuto.
Magbibigay-daan din sa puwersa ng pulisya ang mabilis na pagtugon sa mga emergency at makipag-ugnayan sa ibang mga ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Patunay lamang ito ng pangako sa publiko ng pagbibigay ng mahusay at epektibong serbisyo ng pulisya.
PAULA ANTOLIN