Special report ni PAULA ANTOLIN
MATAPOS ang buong taon, tuloy ang Quezon City Police District sa pagpapatupad ng batas at ang paghuli sa mga nagkasala, ang mga nagtatago sa kamay ng batas na nakagawa ng kasalanan sa batas, narito naman ang paghahayag ng bunga ng kanilang mga sipag at tiyaga at pagprotekta sa ating mga kababayan laban sa mga masasamang loob.
Nakapagtala sa annual assessment ng peace and order situation at accomplishments ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ng pamunuan ni CSupt Joselito Esquivel Jr, mula Enero 1 hanggang Disyembre 25, 2017 kumpara naman para sa Enero 1 hanggang Disyembre 25, 2018.
Napapanatili ng lungsod ng Quezon ang kaligtasan at kapayapaan para sa nasasakupang 3,034,247 constituents, business transients, studyante, guests, at passers-by ng lansangan. Palaging nariyan ang challenge para sa QCPD na panatilihin at mas patunayan sa publiko ang pagiging best police districts para sa buong NCRPO, kung hindi man para sa buong PNP, para sa taong 2018 binigyan ang QCPD ng parangal bilang BEST POLICE DISTRICT ng NCRPO.
Ang kasalukuyang taon ay isa ring patunay na pag-angat ng QCPD lalo na sa laban kontra kriminalidad sa Quezon City.
Makikitaang pinagkaiba ng mga record sa crime data at statistics mula Enero hanggang Disyembre 2017 at Enero hanggang Disyembre 2018 ay makikita ang laki ng ibinaba ng mga krimen at ang pagtaas naman ng Crime Clearance Efficiency (CCE) at Crime Solution Efficiency (CSE) efforts.
Mula sa mga tauhang nasasakupan sa finances, logistics, technology at maging sa lahat ng mga resource na naibigay, naitayo o maging donasyon na naibigay para sa QCPD.
Ang QCPD na may 5,082 civil servants, hanggang sa 12 police stations at hiwalay na units ng district headquarters upang mas mapaigting angmga kakayahan ng mga tauhan ng QCPD.
Ang QCPD ay isa sa may best equipment sa monitoring at communication na nagkakahalaga ng P263 milyon sa Command and Control Center (IC3) kung saan mino-monitor ang krimen na nagaganap o maaaring maganap sa lunsod, road traffic at emergency incidents sa mga lugar sa Quezon City na may 420 CCTVs na nailagay sa strategic at crime prone area para sa lungsod.
ANTI-CYBERCRIME TEAM PINAGANA
Upang maging mas maayos pa, mayroon ding monitoring sa social media na sa ngayon ay mas mabilis na nakakaimpluwensiya sa buhay ng mga kababayan, inactivate ng QCPD ang Anti-cybercrime Team na kung saan ay may 21 tauhan na cybercrime personnel at trained investigators.
Tanging QCPD lamang ang mayroon nito bukod pa sa ibang distrito ng Police District na may ACT.
Sa patuloy naman na Crime Prevention, ang QCPD ay nagsasagawa ng Weekly Oversight Committee Meeting sa Enhanced Management Police Operations (EMPO), kung saan nagsasagwa ng Checkpoint, Oplan Sita, Oplan Bakal, Beat Patrol, Mobile Patrol, Oplan Galugad, Oplan Katok, Receipt and Service of Warrants of Arrest, at SACLEO. Resulta nito ang dami ng bilang ng pagkakaaresto sa mga kriminal, citation, confiscation of firearms, bladed weapons and explosives, impound of vehicles, at Service of Warrants.
Pinaigting ng QCPD ang laban kontra ilegal na droga, at illegal gambling. Mula Enero 1 hanggang Disyembre 25, 2018 nakabisita sa may 12,860 na bahay ng 4,878 drug users at pushers na napasuko ng may bilang na 1,804 police operations sa illegal drugs. May naarestong 3,874 drug users at 95 pushers habang nagsasagawa naman ng police operations. Samantala, nakaaresto naman ng may 2,962 katao ng 1,054 operations dahil sa illegal gambling at nakapag-file naman ng 952 na kaso sa korte.
Ang QCPD DCADD rin ay pinarangalang BEST PCR DISTRICT sa buong NCRPO para sa taong 2018.
Mula naman Enero 1 hanggang Disyembre 25, 2018, ang QCPD ay nakitaan ng significant arrest ng mga suspek sa mga crime incident at nakakuha naman ng mga ebidensiya para sa crime commission.
Tinatayang aabot sa 34,828 ang bilang ng insidente na may ibinabang 542 o 1.56% mula noong Enero 1 hanggang Disyembre 25, 2018 kumpara sa total na 34, 828 noong 2017. Tumaas naman ang porsyento ng huli sa mga special Laws ng lungsod, mula 3,413 na tumaas hanggang 2,247 o 65 porsiyento. Habang sa non-index crime naman na mula sa 2,487 ay bumaba ng 707 o 22.14%.