‘QF’ BONUS SA PHOENIX

phoenix

PINATAOB ng Phoenix ang Blackwater, 97-91, upang kunin ang ikalawang puwesto at ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals sa pagtatapos ng elimination round ng PBA Governors’ Cup kagabi sa Ara­neta Coliseum.

Ang clock-beating shot ni Filipino-Canadian Matthew Wright ang naging susi sa panalo ng Fuel Masters at nagdala sa kanila sa No. 2 spot na may kaakibat na bonus.

“There’s no more time and I hurriedly shot the ball. It’s good, I made it,” sabi ni Wright.

Ang tira ni Wright sa left wing ang nagbigay sa Phoenix ng 95-89 kalamangan, may 41.5 segundo ang na­lalabi.

Tumapos si Wright na may 23 points, 7 rebounds at 5 assists.

Naging top scorer si Calvin Abueva para sa Fuel Masters na may 25 points at itinanghal na ‘Best Player of the Game’. Nag-ambag si import Eugene Phelps ng 16 points at 19 rebounds, kabilang ang 14 defensive, at 5 assists.

“I told them to play aggressive and compile the much needed points to win. I’m glad, they responded well,” wika ni Phoenix coach Louie Alas.

Tumapos ang Fuel Masters na may 8-3 kartada habang nalaglag ang Elite sa 7-4.

Dikit ang laro at kinuha ng Phoenix ang panalo sa mga huling minuto ng fourth quarter kung saan na-outshoot nila ang Blackwater. CLYDE MARIANO

 

Iskor:

Phoenix (97) – Abueva 25, Wright 23, Phelps 16, Revilla 11, Perkins 9, Jazul 4, Chua 4, Intal 3, Wilson 1, Alolino 1, Kramer 0.

Blackwater (91) – Walker 21, Pinto 17, Zamar 12, Belo 10, Erram 9, Maliksi 9, Digregorio 7, Al-Hussaini 4, Javier 2, Cortez 0, Sumang 0, Jose 0.

QS: 21-18, 44-48, 72-69, 97-91.

Comments are closed.