MULING sasandigan ni shooting guard Roger Pogoy ang TNT laban sa Magnolia sa hangaring makuha ang outright quarterfinals berth sa PBA Philippine Cup. PBA PHOTO
Mga laro ngayon:
(Ninoy Aquino Stadium)
3:15 p.m. – Magnolia vs TNT
6:15 – Ginebra vs NLEX
AASINTAHIN ng TNT ang outright quarterfinals berth sa PBA Philippine Cup sa pagharap sa Magnolia sa final playdate ng eliminations ngayong Linggo sa Ninoy Aquino Stadium.
Aasamin ng Tropang Giga ang panalo sa 3:15 p.m. encounter upang makaiwas sa playoff para sa eighth at last quarterfinals ticket.
May 5-5 kartada, nakausad na sana ang TNT sa susunod ns round, subalit pinigilan ng also-ran Converge noong nakaraang Miyerkoles, 107-103, na naglagay sa Tropang Giga sa must-win situation laban sa Hotshots.
Ang heartbreaking loss ay ikinadismaya ni coach Chot Reyes.
“Nagalit si coach Chot, ‘yun lang ang masasabi ko, Basta galit si coach,” sabi ni TNT shooting guard Roger Pogoy, na tumapos na may 29 points, hinggil sa atmosphere sa dugout ng koponan kasunod ng pagkatalo sa FiberXers.
Samantala, pasok na ang Magnolia quarterfinals makaraang malusutan ang Terrafirma, 108-100, noong Biyernes ng gabi para putulin ang two-game slide.
Ang Hotshots ay may 6-4 record, at hangad na pumasok sa playoffs sa winning note.
Samantala, umaasa ang Barangay Ginebra na manatili sa no.2 spot na may twice-to-beat advantage sa quarterfinals sa pagsagupa sa NLEX sa alas-6:15 ng gabi.
Ang Kings ay pumapangalawa na may 7-3 kartada at nasa four-game winning run, kabilang ang 100-85 victory kontra Converge sa Aquilino Pimentel Jr. International Convention Center sa Cagayan De Oro noong nakaraang linggo.
Ang Ginebra ang ikalawang koponan na nakakuha ng quarterfinals berth matapos ng league-leading San Miguel.
CLYDE MARIANO