Q’FINALS TARGET NG ACES

aces

Mga laro ngayon:

Ynares Center-Antipolo

4:30 p.m. – NLEX vs Alaska

7 p.m. – San Miguel vs TNT

PUNTIRYA ng Alaska ang isang quarterfinal berth sa pagsagupa sa NLEX sa pagtatapos ng kanilang PBA Go­vernors’ Cup elimination round campaign ngayon sa Ynares Center sa Antipolo.

Nakatakda ang duelo ng Aces at Road Warriors sa alas-4:30 ng hapon na susundan ng bakbakan ng San Miguel Beermen at TNT KaTropa Texters sa alas-7 ng gabi.

Ang laro ay ‘no-bearing’ para sa Road Warriors hindi lamang dahil matagal na silang pasok sa quarterfinals kundi nakuha na rin nila ang top seeding at twice-to-beat advantage laban sa eighth-ranked team sa susunod na round.

Sa kabila nito, tiyak na nais pa rin ng NLEX na manalo upang mabawi ang momentum makaraang maputol ang kanilang five-game winning streak sa 94-102 pagkatalo sa NorthPort noong nakaraang linggo.

Gayundin ay nais ng Road Warriors na makuha ang bawat  bentahe na kanilang kakailanganin sa susunod na round laban sa koponan na nakipag-play off para sa huling puwesto.

Ang koponang ito ay maaaring ang Alaska, na kailangang manalo sa kanilang ika-4 na sunod na laro upang makopo ang isang puwesto sa quar-terfinals at makatabla ang NorthPort,  na tinapos ang elims sa may 5-6 marka para sa ika-7 puwesto.

Gayunman, sa bisa ng 106-99 panalo laban sa Batang Pier noong nakaraang  Nob. 3, makukuha ng Aces ang No. 7, at babagsak ang huli sa No. 8 at masisibak ang Columbian na may 4-7.

Samantala, kung matatalo ang Alaska ay makukuha ng NorthPort ng  seventh place at malalagay ang una sa knockout game laban sa Columbian sa Biyernes para sa huling quarterfinal berth.

Ang quarterfinals ay magsisimula sa Lunes.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *