Q’FINALS TARGET NG ADAMSON, BACOLOD TAY TUNG

Mga laro ngayon:
(Adamson University Gym main court)

10 a.m. –– FEU vs Arellano

12 p.m. –– Chiang Kai-shek vs Bethel Academy

2 p.m. –– California Academy vs LPU

4 p.m. — NUNS vs Adamson

 (Adamson University Gym Court 2)

12 p.m. — Naga College Foundation vs EAC

2 p.m. — Holy Rosary College vs UPIS

4 p.m. — Bacolod Tay Tung vs Perpetual

PUNTIRYA ng Adamson University at Bacolod Tay Tung ang quarterfinals seats at makumpleto ang sweep sa kani-kanilang pool sa pagpapatuloy ng aksiyon sa  2024 Shakey’s Girls Volleyball Invitational League (GVIL) ngayong Linggo sa Adamson University gym.

Bubuhayin ng reigning UAAP champions Lady Baby Falcons ang explosive rivalry kontra  National University-Nazareth School sa alas-4 ng hapon sa main court ng game venue sa rematch ng kanilang Season 86 finals showdown.

Sa likod ng consistent production ni UAAP MVP skipper Shaina Nitura, ginapi ng Adamson ang kanilang unang dalawang katunggali upang kunin ang solo lead sa Pool D sa premier grassroots volleyball tournament ng bansa na suportado ng  Shakey’s Pizza Parlor, Eurotel, Victory Liner, Smart Sports, Mikasa, Team Rebel Sports, Data Project, Genius Sports at Robinsons Malls.

Subalit mabigat ang laban ng  Lady Baby Falcons kontra Lady Bullpups, na galing sa 25-14, 25-9, demolition sa Holy Rosary College noong Biyernes.

Samantala, magtatangka ang Thunderbolts ng isang puwesto sa  knockout round sa alas-4 ng hapon sa Pool C clash kontra  University of Perpetual Help sa Court 2.

Ang third placer sa inaugural edition ay galing sa dalawang araw na pahinga matapos ang back-to-back come-from-behind three-set victories kontra University of Santo Tomas at  Kings’ Montessori School.

Sisikapin ng Junior Lady Altas, na natalo sa three-setter laban sa UST noong Biyernes, na mapanatiling buhay ang kanilang quarters hopes.

Sa iba pang pairings sa main court, maghaharap anv Far Eastern University-Diliman at  Arellano University para sa solo lead sa Pool B sa 10 a.m. curtain-raiser.

Sinimulan ng Lady Baby Tamaraws ang kanilang kampanya sa pagdispatsa sa  2023 SGVIL runner-up Naga College Foundation, 25-15, 25-13, noong Biyernes upang makatabla ang Lady Braves.

Magsasalpukan ang Chiang Kai-shek High School (1-1) at Bethel Academy (1-1) sa alas-12 ng tanghali na susundan ng isa pang Pool A battle sa pagitan ng rebound-seeking defending champion California Academy (0-1) at ng Lyceum of the Philippines University (1-1) sa alas-2 ng hapon.