(QMC humingi ng tulong) BILANG NG PATAY SA COVID-19 DUMARAMI

HUMINGI ng tulong ang Quezon Medical Center (QMC) sa pamahalaang panlalawigan ng Quezon kaugnay sa natenggang 16 bangkay ng mga nagka-COVID-19 sa dalawang morgue ng ospital nito lamang nakalipas na unang linggo ng buwang kasalukuyan.

Ayon kay QMC Chief Dr. Rolando Padre, dahilan ito ng patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa buong lalawigan at pagdami ng mga namatay sa naturang virus.

Ani Padre,kung susundin ang utos ng IATF dapat ay hanggang 12 oras lamang tatagal sa morgue ng isang ospital ang cadaver na nagpositibo sa COVID-19 subalit dahil biglang tumaas ang severe cases at ang nasawi ay naipon sa 2 morgue ng ospital.

Aminado si Padre na nahihirapan silang ilabas ang mga bangkay dahil iisa lamang ang crematorium sa lalawigan na ang kapasidad nito sa isang araw ay 4 hanggang 8 cadaver lamang ang kayang sunugin.

Bukod dito, nahihirapan din silang ilabas ang mga bangkay dahil may mga kaanak ang mga namatay na hindi kaagad makapagdesisyon kung ano ang kanilang gagawin sa mga labi ng kanilang kapamilya.

Madalas din aniyang tumanggi ang mga funeral service dahil ayaw nilang ilabas ang mga bangkay ng wala pang resulta ng swab test.

Giit pa ni Padre na hindi dapat sa kanila isisi ang nasabing pangyayari dahil pinipilit nilang matapos sa loob lamang ng tatlong oras ang proseso ng mga papel o death certificate ng isang nasawi sa naturang pagamutan kaya wala umanong dahilan para maantala ang pagpapalabas ng isang bangkay sa QMC.

Dagdag pa ni Padre walang dapat sisihin sa pagka-ipon ng bangkay sa morgue at hindi agad ma-cremate ang mga ito.

Aniya,ang kailangan ay magtutulungan ang ospital at ng mga lokal na pamahalaan para itama at maresolba ang problema sa mga cadaver.

Iginiit nito,hindi ito kakayanin ng ospital dahil sila man ay may mga kakulangan sa kasalukuyan lalo na sa fundings para sa mga kakailanganin ng mga namamatay sa COVID-19 katulad ng mga plastic, tape o sealed materials at body bag. BONG RIVERA

286 thoughts on “(QMC humingi ng tulong) BILANG NG PATAY SA COVID-19 DUMARAMI”

  1. Everything what you want to know about pills. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    stromectol cream
    Actual trends of drug. All trends of medicament.

  2. Get warning information here. Prescription Drug Information, Interactions & Side.
    https://lisinopril.science/# lisinopril 10 mg 12.5mg
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. safe and effective drugs are available.

  3. Drug information. Prescription Drug Information, Interactions & Side.
    https://finasteridest.com/ where to get propecia without insurance
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. Drugs information sheet.

Comments are closed.