QPPO PD UMIKOT SA MGA NASALANTA NG TS KRISTINE

QUEZON – PATULOY ang malawakang monitoring at pagtulong ng Quezon Police Provincial Office sa pamumuno ni Prov.Dir. Col Ruben Lacuesta sa ikatlong distrito ng lalawigan partikular sa mga bayan ng Macalelon, General Luna, Catanauan, Mulanay, San Francisco, San Naciso, at Buenavista na apektado, sinalanta at binaha dulot ng bagyong Kristine.

Siniguro ni Lacuesta na patuloy na nasa hightened alert ang pulisya sa mga nabanggit na mga bayan at nagsagawa rin ng personal inspection ang Provincial Director kung ginagampanan ng mga pulis ang kanyang binuong quick reaction response team sa mga bawat bayan na sinalanta at binaha dulot ng bagyo.

Personal din nagtungo at umikot sa mga apektadong bayan si Lacuesta upang matiyak na nabibigyan ng sapat na serbisyo at seguridad ang bawat pamilyang naapektuhan sa kasagsagan ng bagyong Kristine.

Pinaalalahanan din ng opisyal na manatiling maging vigilante ang mga pulis sa mga nangyayari sa kanilang mga nasasakupang bayan at siguraduthin ang seguridad sa mga pamil­yang nagsilikas na nasa mga evacuation center.

Tumulong din sa ginagawang clearing operation sa mga pangunahing kalsada ang mga pulis na nagkaroon ng land slide, natumba ang mga puno at poste ng kuryente at paglilikas ng mga mamamayang na trap sa baha at lumubog ang mga bahay sa tubig sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Ginawa din ni Lacu­esta ang personal na pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng LGU at mayors ng mga nabanggit na bayan upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan ng ikatlong distrito na tinamaan ng matinding pagbaha dala ng bagyong Kristine.

Sa huli ay sinabi ni Lacuesta na prayoridad ng Quezon PNP ang kaligtasan ng mga mamamayan ng Quezon na sinalanta ng bagyo at pinangako nito na kung may karagdagan pang pagtulong ang pulisya sa LGU sa abot ng kanilang kakayanan ay huwag magatubili ang mga ito na magsabi at makipag ugnayan sa bawat istasyon ng Pulisya sa lalawigan ng Quezon o sa kanyang tanggapan sa QPPO.

BONG RIVERA