QUARANCLEAN PH HAIRCUT HOME SERVICE NI DERRICK MONASTERIO

DERRICK MONASTERIO

NAINIP, na-bored, walang magawa, kaya isang araw, nakaisip ng mapagkakaabalahan ang Kapuso star na si Derrick Monasterio.

Inilunsad niya ang at home haircut service, bilang tulong na rin daw sa mga barberong nawalan ng pagkakakitaan ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Tinawag niya itong QUARANCLEANPH, na inanunsyo niya sa kanyang Instagram noong June 1 lamang. Kinuha niya ang pinakamagagal-ing na barber at hair cutters sa mga pinakasikat na salon sa bansa. Sila ang mga nagho-home service sa kanilang mga kliyente, by appointment sa https://www.instagram.com/p/CA5FJC8gu8g/

Kinukunsidera kasi ni Derrick na kahit quarantine, kailangan pa rin nating magpagupit. Kaso nga, dahil sa social distancing, at dahil na rin sa mahigpit na patakaran para makapagbukas ng salon, hindi ito posible sa ngayon.

Kahit medyo maluwag na tayo dahil marami na ang nakapagpabakuna, may sinusunod pa ring social distancing.

Dito pumapasok ang QUARANCLEANPH.

Kahit hindi umalis sa bahay ang kliyente, maseserbisyuhan pa rin sila ng magagaling na barbers at hairdressers.

Hindi lamang gupit ang ibinibigay na serbisyo ng QUARANCLEANPH, ani Derrick. Pwede rin ang hot oil, rebond at kahit pa masahe.

Sinisiguro rin niyang bukod sa magagaling ang kanyang mga tauhan, ligtas din sa COVID-19 ang kanyang mga kliyente dahil dumaan si-lang lahat sa swab testing, at maingat din sila na hindi mahawa sakaling magbibiyahe sila patungo sa bahay ng kanilang clients.

Comparable naman raw ang kanilang presyo sa presyo ng mga ordinaryong salon. May dagdag lamang na konti dahil sa transportation al-lowance ng magseserbisyo, na hindi naman kataka-taka dahil home service nga ang kanilang offer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *