QUARANTINE DAYS NG OFWs DINAGDAGAN

MADARAGDAGAN ang araw ng pagka-qua­rantine ng umuuwing Overseas Filipino Workers ( OFWs) sa bansa.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA),maaaring madagdagan ang quarantine days ng mga balikbayan na uuwi ng bansa kung papayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang dagdag protocol.

Sinabi ni OWWA administrator Hans Leo Cacdac, magiging pitong araw ang pagsasagawa ng RT-PCR test ng mga OFW mula sa dating anim na araw.

Kapag negatibo ang resulta, mananatili pa rin sa facility ang mga balikbayan hanggang sa ika-sampung araw.

Napag-usapan na rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Budget and Management (DBM) ang dagdag pondo ng mga balikbayan ngunit, ayon kay Cacdac, sapat pa rin ito hanggang sa katapusan ng taon.

Sakaling aprubahan ng Department of Health ang dagdag pondo, muling mananawagan ang OWWA hinggil dito. LIZA SORIANO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *