IGINIIT ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na panahon na para magkaroon ng quarantine facility ang mga ospital sa mga probinsiya.
Ito ay sa gitna ng pinangangambahang pagkalat ng COVID-19 sa bansa dahil sa pagdami ng mga persons under investigation.
Ani Go, mahalagang mayroong quarantine facility ang mga ospital para mabilis na mai-isolate ang mga pinaghihinalaang mayroong virus.
Paliwanag nito, kung kinakailangan ay isusulong niyang umupa ang pamahalaan ng mga pasilidad para magamit na quarantine site.
Handa siyang personal na maghanap ng magagamit na pasilidad para sa mga dapat na i-quarantine partikular ang mga galing sa mga bansang mayroong COVID-19 kung walang tatanggap sa mga ito.
Dagdag ni Go, ito ang panahon para magtulungan at magkaisa para maagapan ang posibleng pagkalat nito sa bansa.
Kaugnay nito, hiniling ng senador ang publiko na agad na magpa-check up sa oras na mayroong maramdamang mga sintomas ng COVID-19.
Tinitiyak ng Department of Health na walang pagkakahawa locally at sa halip ay pawang mga dayuhan ang mayroong COVID-19 sa bansa. VICKY CERVALES
Comments are closed.