QUARANTINE PASS NAIS IBALIK NG PNP

PLANO ng Philippine National Police (PNP) na muling pagpapatupad ng Quarantine Pass sa lahat ng mga “essential” o Authorized Person Outside of Residence (APOR) sa Metro Manila

Ito ay dahil sa pag-aming nahihirapan silang matukoy kung sino ang mga APOR at non-APOR sa kalsada sa unang araw ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR plus Bubble

Batay sa datos, aabot sa 1,441 ang bilang ng mga non – APOR na nahuli ng PNP mula sa 5 distritong nasa ilalim ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Habang nasa 2,516 naman ang mga non-APOR na naitalang nasa labas pa rin ng kanilang mga tahanan kahit mahigpit na ang pagpapatupad ng “stay at home” policy sa ilalim ng ECQ.

Nabatid pa, sa iba pang lugar na nasa ilalim ng NCR plus Bubble tulad ng Bulacan, marami pa rin ang mga pasaway na tila hindi na inaalintana ang mga kaparusahang ipapataw sa paglabag sa quarantine protocols. EUNICE CELARIO

3 thoughts on “QUARANTINE PASS NAIS IBALIK NG PNP”

Comments are closed.