QUARANTINE PROCESS SA REPATRIATED OFWs KAYANG GAWIN SA 3 ARAW

RAPID TEST

NAKAUWI na kahapon sa kani-kanilang mga probinsiya ang 337 na mga ovearseas Filipino workers (OFWs) na dumating sa Clark, Pampanga noong June 6.

Ito ay matapos ang tatlong araw lang na quarantine process, kung saan nakuha nila ang resulta ng kanilang RT-PCR test, sa loob lamang ng 72 oras.

Pinayagan na silang mag-home quarantine matapos na ma-test na COVID -free pagdating sa bansa.

Magugunitang ipinangako ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Di­seases (IATF-MEID) na gagawin nilang limang araw pababa ang pagproseso sa mga umuuwing OFW para mapabilis ang quarantine process.

Una na ring sinabi ni National Action Plan Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na hindi na dapat pang patagalin ang paghihintay ng mga OFW para makapiling ang kani-kanilang mga pamilya pag-uwi sa Filipinas. REA SARMIENTO

Comments are closed.