QUARANTINE PROTOCOLS SA SEMENTERYO TIYAKING MASUSUNOD

Guillermo Eleazar

INATASAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga unit commanders nito na tiyaking masusunod ang mga ipinatutupad na quarantine protocols sa mga sementeryo o kolumbaryo sa pagsapapit ng Undas.

Ayon kay Police Lt. General Guillermo Eleazar, commander ng Joint Task Force COVID-19 Shield, inatasan na ng lid-erato ng PNP ang lahat ng mga opisyal nito na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan ukol sa ipatutupad na mga panuntunan sa mga bibisita sa mga sementeryo gaya ng pagsusuot ng facemask, face shield, at pagpapanatili ng physical distancing.

Kasunod nito, ani Eleazar, kanilang ipinauubaya sa mga local chief executive kung may mga gagawin silang pagbabago sa mga umiiral na protocols, basta’t aniya ito’y alinsunod sa itinakdang guidelines.

Buko pa rito, nagpaalala rin si Eleazar sa publiko hinggil sa mga bawal dalhin sa mga sementeryo o kolumbaryo, ito’y gaya ng mga nakalalasing na inumin, matatalim na bagay, at iba pa. DWIZ882

Comments are closed.