HINDI inirekomenda ng 17 Metro Manila mayors ang pagluwag sa pandemic lockdown at sa halip ay ipinapatupad ang maikling curfew hours.
Sa pulong ng mga alkalde sa anim na Cabinet officials Linggo ng gabi ay walang nagrekomenda na isailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila.
Sinabi ni Metro Manila Mayors’ Council chairman Edwin Olivarez na GCQ [ang ang inirekomenda nila upang mapanatili ang health protocol.
“Ito ay para magkaroon po tayo ng strict compliance sa ating pagsusuot ng face shield, face mask,” sabi ni Olivarez, alkalde ng Parañaque.
Mula Setyembre 1, ang curfew hours ay mula alas- 10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga mula sa dating alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.
“Para makahinga naman po nang kaunti iyong atin pong mga hanapbuhay,” pahayag pa ni Olivarez.
Magiging limitado ang lockdowns sa mga lugar na may mga kaso ng coronavirus katulad ng gusali, mga kalye o buong barangay.
Comments are closed.