QUARANTINE SHIP HANDA NA

Special Assistant to the President Bong Go

KINUMPIRMA ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na inihahanda na rin ang ilang barko ng  2Go para gamiting  quarantine ship sa mga pasyente ng COVID-19.

Ayon kay Go, magiging katuwang  ng pamahalaan sa pangangasiwa  ang Philippine Coast Guard at ang Department of Transportation.

Maliban sa 2Go ship, inihahanda na rin bilang quarantine ship  ang barkong “Ang Pangulo”.

Inihayag ni Go na kailanman ay hindi ito nagamit ni Pangulong Duterte kaya naman mas mabuting magamit na ito para sa mga pasyente.

Nauna nang nanawagan ng tulong  si Go sa mga negosyante at iba pang grupo na tumulong para mapagaan ang pasanin ng taumbayan sa gitna ng  kinakaharap na pandemic. VICKY CERVALES