QUARANTINE STATUS PALUWAGIN (Kapag bumaba na sa 2,000 ang COVID-19 cases sa isang araw-OCTA)

IGINIIT ng mga eksperto mula sa OCTA Research Group na maaari lamang paluwagin ang quarantine status sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan kung ang naitatalang daily cases ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) ay bumaba na ng hanggang 2,000 na lamang sa isang araw.

Ang pahayag ay kasunod na rin ng inaasahang pag-aanunsiyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte ng susunod na COVID-19 quarantine classification sa NCR Plus areas.

Ayon kay OCTA Fellow Professor Ranjit Rye, base sa data, ang threshold ay average na 2,000 COVID-19 cases araw-araw lamang sa NCR.
Aniya, anumang bilang na lampas dito ay magreresulta pa rin sa pagka-overwhelm ng ating hospital system.

Giit pa niya, sa ngayon ay hindi pa maaaring magpatupad ng general community quarantine (GCQ) ang pamahalaan dahil maaaring magresulta ito sa pag-reverse ng trend o muling pagdami ng naitatalang COVID-19 cases.

“Hindi pa puwede mag-transition sa GCQ as we speak kasi the trend can be reversed. Puno pa ang mga ospital,” aniya pa, sa Laging Handa briefing.

Ipinaliwanag rin ni Rye na kinakailangan ng matagal na panahon upang mapababa ang bilang ng mga kaso ng sakit kaya’t nais nilang magkaroon pa ng panibagong isang linggong ekstensiyon ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Dr. Guido David ng OCTA na sa ngayon ang average daily number ng COVID-19 cases sa NCR ay nasa 3,500, bagamat ang naturang bilang ay higit na aniyang mas mababa kumpara sa dating 5,500 bago magpatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus areas.

“Our daily number of new COVID-19 cases is at 9,000; 8,000 nationwide…mataas pa rin, although there’s big improvement in NCR. We hope to see less than 3,000 new COVID-19 cases in two weeks, down to 2,000 in four weeks,” ayon pa kay David.

“This is a big challenge and getting back our [COVID-19] numbers in January [this year] will not happen overnight,” aniya pa.

Nitong Abril 27, nakapagtala ang Filipinas ng 7,204 bagong kaso ng sakit.

Sa kasalukuyan, ang bansa ay mayroon nang kabuuang 1,013,618 kaso ng COVID-19, kabilang dito ang 71,675 (7.1%) aktibong kaso; 925,027 (91.3%) recoveries; at 16,916 (1.67%) fatalities.

Sa aktibong kaso, 95.2% ang mild cases, 1.5% ang asymptomatic, 1.1% ang critical, 1.3% ang severe at 0.90% ang moderate.

Matatandaang mula Marso 29 hanggang Abril 11, isinailalim ng pamahalaan ang NCR Plus areas, na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite sa ECQ dahil sa panibagong surge ng COVID-19 cases.

Mula Abril 12 naman hanggang bukas, Abril 30, ay nasa ilalim ito ng MECQ. Ana Rosario Hernandez

5 thoughts on “QUARANTINE STATUS PALUWAGIN (Kapag bumaba na sa 2,000 ang COVID-19 cases sa isang araw-OCTA)”

  1. 550202 733342Hello there, just became alert to your blog through Google, and discovered that it is truly informative. Im gonna watch out for brussels. I will appreciate in the event you continue this in future. A great deal of men and women will probably be benefited from your writing. Cheers! xrumer 390007

Comments are closed.