AAPELA ang mga mamamayan ng Aklan na luwagan ng pamahalaan ang quarantine status sa kanilang lugar.
Agad na makikipag-ugnayan ang ilang grupo sa Aklan sa National Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseasesna babaan ang quarantine status sa buong lalawigan dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Aklan governor Florencio Miraflores imumungkahi nila sa kanilang pulong bukas, Oktubre 19 sa NIATF na mailagay na ang lalawigan sa modified general community quarantine (MGCQ).
Ang Aklan ay nananatiling nasa general community quarantine (GCQ) mula Oktubre 16 hanggang 31.
Sa pagpapatupad aniya ng mas instriktong MECQ noong Agosto 1 hanggang Setyembre 7, maraming negosyante at mangggagawa ang naapektuhan lalo na sa isla ng Boracay.
Sa kasalukuyan, naibaba na sa ‘low risk classification’ ang Aklan batay sa parameters ng Department of Health (DOH).
Simula Setyembre 8 hanggang Oktubre 15, ang Aklan ay nakapagtala ng 520 na bagong kaso kumpara sa 3,622 simula Agosto 1 hanggang Setyembre 7.
Bumaba na rin sa 1.04 percent ang ADAR (average daily attack rate) habang ang health care utilization ay nasa 1.85 percent.
146073 494765Nice post. I be taught one thing far more challenging on totally different blogs everyday. It will all the time be stimulating to learn content material from other writers and apply slightly 1 thing from their store. Id desire to use some with the content on my blog whether you dont mind. Natually Ill give you a hyperlink on your net weblog. Thanks for sharing. 966910