CAGAYAN – UPANG maiwasan ang sakuna, ipinag-utos ni Edwin Buedia, detailed quarry chief ng Provincial Natural Resources Environment Office (PENRO) ang pansamantalang pagpapatigil ng quarry operation sa Barangay Rapuli, Sta Ana.
Ayon kay Buedia, kaya niya umano ipinatigil ang nasabing quarry operation dahil sa pang-aabuso na ginagawa ng mga nagka-quarry kung saan ay lumalawak ang sinasakop ng mga ito.
Ipinaliwanag pa ni Buendia na bagaman pinayagan ng Mines and Geosciences Bureau ang mga mamamayan na magsagawa ng quarry sa designated area partikular sa may sand bar upang maging maayos ang daloy ng tubig.
Subalit, dumulog sa tanggapan ng PENRO si Kapitan Jimmy Gamurot ng Barangay Rapuli, Santa Ana, Cagayan, na ang reklamo nito ay kung saan-saan na umano kumukuha ng buhangin ang mga nagqua-quary maski hindi na nila ito sakop sa kanilang isinagawang kontrata ng nasabing barangay.
Ayon kay Gamurot, nakumpirma nila ang sitwasyon sa lugar kung saan ay may mga kumukuha na ng buhangin sa labas ng designated area at may malapit pa sa isang tulay, na maaring ito ang maging dahilan na makaepekto at pagkasira ng tulay sa papalapit ng tag-ulan. IRENE GONZALES
Comments are closed.