ALBAY – HINDI lahat ng pagkakataon ay nakasasama o nagbibigay ng trahedya ang quarrying.
Sinabi ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum, minsan ay asset din ang quarrying upang maiwasan ang panganib ng lahar sa paligid ng Bulkang Mayon subalit kailangan ng mas maayos na sistema.
Ang pahayag ay ibinahagi ni Solidum kay Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu na ipasususpinde ang lahat ng quarry operations sa ilang rehiyon kabilang na ang Bicol.
Ipinaliwanag ni Solidum sa kalihim at mamamayan na may mabuting epekto ang quarry operations sa mga ilog malapit sa bulkan hindi lamang dahil sa magagandang bato at buhangin na nagmumula rito kundi sa pag-drench sa mga channels.
Dagdag pa ng opisyal na nagiging mapanganib lamang ang quarry kung hindi planado na nagpapalala sa pag-uka ng mga ilog at nagpapaguho sa riverbank na nagdudulot ng pag-iba ng direksiyon na dinadaanan ng lahar deposits.
Inirekomenda pa nito na huwag hahayaan ng mga concerned officials na kung saan-saan lang kumuha ng mga aggregates upang hindi na lumala pa ang dala nitong panganib.
Una nang sinabi ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) Bicol na kabilang sa isasailalim sa re-assessment ang quarry operations sa Albay na malapit sa Mayon. CAMILLE BOLOS
Comments are closed.