QUARRYING PINATIGIL SA BUONG BANSA – DENR

DENR SEC ROY CIMATU

PANSAMANTALANG sinuspinde ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang quarrying operations sa buong bansa.

Ang hakbang ay ginawa ni DENR Secretary Roy Cimatu makaraang bumisita sa Naga City sa Cebu kung saan may naganap na pagguho ng lupa na ikinasawi ng hindi bababa sa 25 katao.

Ayon kay Cimatu, ang suspensiyon ay tatagal ng 15 araw kung kailan magsasagawa ang DENR ng evaluation sa lahat ng quarrying operations sa bansa.

Anang kalihim, isasailalim sa review at assessment ang lahat ng quarry operations upang matukoy kung ligtas ang mga ito, gayundin ang mga komunidad sa palibot nito.

Matapos nito ay saka magpapasiya ang ahensiya kung saang mga lugar pananatilihin ang suspensiyon.

Kasabay nito ay sinibak sa puwesto ni Cimatu ang matataas na opisyal ng Mines Geosciences Bureau (MGB) sa Region 7.

Ang mga ito ay kinabibilangan nina MGB-7 Director Loreto Alburo, chief geologist Al Emil Berador, Atty. Jerry Mahusay, at supervising geologist Dennis Aleta.

Comments are closed.