NAGPAABOT ng pakikiramay si Queen Elizabeth sa Filipinas matapos ang pananalasa ng bagyong Ompong.
Ipinadala ang mensahe ng reyna kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakasaad dito na labis na ikinalulungkot ni Queen Elizabeth ang pinsalang idinulot ng typhoon Mangkhut (international name).
Nagpaaabot din ng pakikiramay si Prince Philip sa lahat ng biktima, sa mga nawasak ang tahanan at nawalan ng mahal sa buhay dahil sa kalamidad.
Naka-post din ang mga mensaheng ito ni Queen Elizabeth sa official website ng Royal Family. NENET VILLAFANIA
Comments are closed.