BILANG bahagi ng selebrasyon ng National Arts Month, ang Government Service Insurance System (GSIS), kasama ang Quezon Artists Guild (QAG), ay magkakaroon ng exhibit— ang “Quezon Art 7” na gagawin sa GSIS Museo ng Si-ning sa Pebrero 23.
“The exhibition will attempt to present a view of ‘art from the regions’ with displays that explore the techniques, styles and methodologies of art,” ani Noel Bueza, president of the QAG.
Itatampok sa nasabing exhibit ang mga obra ng 25 QAG members na sina Noel P. Bueza, Frank Cana, Avie Lafuente, Frank Hari, Roma Valdez, Ayelah Deveza, Farah Ontiveros, Melo Valencia, Rez Cada, Apolinario Folloso, Pauline Racelis, Pablo Marasigan, Cheryl Canning, Jezz Go, Mark Lagdameo, Raffa Dala, Ann Reynaldes, August Tazon, Jerson Ajus, Louinel Babia, Camille Ruiz, Eric Masangkay, Mario Madridejos, Reynaldo Lopez at Gundelina Ruiz. Sa kasalukuyan ay mayroong 50 registered QAG members.
Abala ang QAG sa pagsasagawa ng exhibit hindi lamang sa Quezon province gayundin sa Laguna, Cavite at Metro Manila para mabigyan ng pagkakataon ang local artist na mai-showcase ang kanilang artworks.
Ilan sa mga featured artist sa Quezon Art 7 ay nakapagtampok na ng exhibit sa GSIS Museo ng Sining.
Tatagal hanggang Marso 23 ang Quezon Art 7.