QUEZON CITY POLICE NAG-SORRY SA LEAKED VIDEO NG PAGKAMATAY NI RONALDO VALDEZ

NAG-SORRY ang Quezon City Police District (QCPD) sa pamilya ng yumaong beteranong aktor na si Ronaldo Valdez kaugnay sa pagkalat ng sensitibong video ng kanyang pagkamatay at mga impormasyon.

Ito ay matapos hilingin sa isang press conference nitong Lunes ng aktor at singer na si Janno Gibbs na mag- isyu ng “public apology” ang mga pulis sa umano’y kapabayaan  nito na naging dahilan ng pag leak ng video sa kamatayan ng kanyang ama at iba pang pribadong impormasyon tungkol sa kanilang pamilya at sa paraan ng pag- iimbestiga sa insidente.

Sa naturang press conference, nagpahayag din ng sama ng loob si Gibbs sa mga vlogger na nagpakalat umano ng mga malisyosong fake news na isinasangkot siya sa pagkamatay ng kanyang  ama, kung saan napamura pa ito.

Natagpuang wala nang buhay si Valdez sa kanyang bahay sa Quezon City noong Disyembre 17.

Bukod sa nalantad sa publiko ang pagkamatay ni Valdez, kumalat pa online ang video ng mga labi nito na kuha ng mga kagawad ng  Quezon City Police na rumesponde sa pangyayari. May tama ng bala si Valdez at hinihinalang ito ay nagpakamatay, ayon kay Gibbs.

Pati umano kanyang salaysay at address ay kumalat sa social media sa mismong araw na natagpuan ang labi ng kanyang ama.Isa pa umano sa gustong ipagawa ng mga pulis kay Gibbs ay isadula ang naabutan nila sa crime scene,ilang araw matapos ang pangyayari.

”They text to retrieve the slug.Hindi ba nila nagawa yun sa araw na yun? Pwede ba natin ma-recreate yung scene?Nag-process na tayo e…Days after bumalik pa sila.Wala po kaming statement ng kasambahay? Anong ginawa n’yo ng processing? Wala lang? Nanood lang? Ganun?” sabi ni Gibbs sa mistulang sablay na pagsasagawa ng imbestigasyon ng kapulisan.

Kaya hiling niya ang public apology ng kapulisan sa mga pangyayaring ito. Subalit nilinaw ng singer na hindi na sila magsasampa ng kaso. ”If I have to file a case. I would have to reenact again. Ikukwento ko na naman, mas trauma pa,” sabi nito.

“The QCPD extends its sincere apologies to the Gibbs family regarding the recent incident where a member of our police force inappropriately took a video of the late Mr. Ronaldo Valdez. We acknowledge the gravity of this lapse in judgment of some of our personnel, and we deeply regret any distress this may have caused. Rest assured that swift and decisive action is being undertaken. The involved personnel will face appropriate administrative charges for their actions. We want to emphasize that this behavior is not reflective of the values we uphold in QCPD,” ang sabi ng QCPD sa kanilang official statement hinggil sa pangyayari. Lima umano sa nasangkot na leakage ang haharap sa kasong administratibo kabilang ang reklamong neglect of duty.

Giit niya na magsilbi  itong panawagan sa lahat, igalang ang dignidad sa sinumang nagdadalamhati sa pagpanaw ng mahal sa buhay. “Malagim na nga ang pangyayari sa amin. Dumoble pa,” ayon kay Gibbs.

Ma. Luisa Macabuhay-Garcia