QUEZON-IPINATUPAD na ng Quezon Highway Patrol Group sa pangunguna ni Quezon HPG-PHPT Provincial Officer Maj Jonathan Victor Olbeña at sa superbisyon ni RHPU 4A RC Col Rommel C Estolano ang random inspection ng mga pampasaherong bus na naglalakbay galing ng Kalakhang Maynila patungong Southern Luzon o vice versa sa pamamagitan ng pagpara sa ang mga bus sa boundary ng Laguna at Quezon.
Nag-iinspeksyon ang mga pulis ang loob ng bus upang matiyak na ang bawat pasahero ay walang dala-dalang iligal na armas bunsod ito sa naganap na pamamaril sa maglive-in partner sa loob ng bus kamakailan sa Carranglan, Nueva Ecija.
Nagsagawa rin ang HPG ng random inspection sa mga bus terminal sa Quezon kasama ang lokal na pulis at naglalagay ng mga Safety Reminder Stickers with RHPU 4A Hotline sa bawat bus na idinikit sa parteng unahan ng bus upang masiguro na makita ng bawat pasahero.
Tiniyak naman ni Olbeña na walang malalabag sa karapatang pantao ang mga pasahero sa ginagawa nilang random inspection kundi ipinakikita lang nila ang pagiging visible ng mga pulis sa bawat kalsada na dinadaanan ng pampasaherong bus.
BONG RIVERA