QUEZON HPG-PHPT NAGSAGAWA NG ‘OPLAN LIGTAS UNDAS 2024’

QUEZON – SIMULAN nitong Oktubre ang isinasagawang “Oplan Ligtas Undas 2024” ng Quezon HPG-PHPT na pinamumunuan ni Prov. Chief Maj. Jonathan Victor Olveña sa mga pangunahing highway sa lalawigang ito na magtatapos hanggang Nob­yembre 4.

Layunin ng Quezon PHPT na maging maayos ang daloy ang trapiko sa mga public cemetery na nasa maharlika highway.

Bukod sa pagmamando ng trapiko ng Quezon PHPT, kasabay nito ang pamimigay nila ng flyers na nagsasaad ng mga paalala at tips kung ano ang dapat gawin ng mga mamamayan sa kanilang pag-alis ng bahay, mga dapat na gawin at sun­ding panuntunan sa loob ng sementeryo kasama na ang anti-carnapping tips.

Nagkaroon din ang PHPT ng terminal inspection sa mga bus na bibiyahe ng malayo at maging driver at conductor ay pinalalahanan ng HPG-PHPT na siguruhin na maayos at kondisyon ang kanilang mga bus upang maiwasan ang aberya sa daan, maiwasan ang aksidente at problema para sa mga pasahero.

Nagsagawa rin ng random drug test sa mga drivers at konduktor nitong Martes ang Quezon HPG-PHPT kasama ang LTO, PDEA at Quezon PPO.

Sa huli ay nagpaalala si Maj Olbeña sa mga motorista na sundin ang batas trapiko upang maiwasan ang problema habang naglalakbay at kung sino man ang lalabag sa batas trapiko ay kanilang huhulihin at iisyuhan ng Temporary Operators Permit (TOP) na may karampatang multa kada paglabag.

BONG RIVERA