QUEZON- IPINAGMAMALAKING ni Me-Ann Balmes ng high value crops division ng Department of Agriculture na ang gobyerno ay patuloy na nagbibigay ng suporta sa mga magsasaka ng Cacao na nakikita ang potensyal ng industriya sa kabila ng mga hamon tulad ng mga sakuna at mahabang tagtuyot.
Nanatili sa karera ng manlalaro ng Cacao Industry sa bansa ang produksyon ng Cacao sa CALABARZON na inilarawan ng DA na ang Quezon Province bilang lumalaking powerhouse sa produksyon ng Cacao sa bansa.
Ang pagsasaka ng Cacao ay nakakonsentra sa 9 na bayan ng lalawigan ng Quezon katulad ng Atimonan, Plaridel, Lopez, Gumaca, Perez, Calauag, Tagkawayan, Guinayangan, at Quezon,Quezon.
Ayon pa rito, ang DA ay patuloy na nagbibigay ng kanilang suporta at serbisyo upang tulungan ang mga apektadong magsasaka sa pagbawi at pagpapalago ng kanilang mga pananim.
Noong nakaraang 2020, ang DA ay nagbigay ng pasilidad sa pagpoproseso at kagamitan na nagkakahalaga ng P1.5 milyon sa Four K Kakao Farm bilang bahagi ng Regional High-Value Crops Development Program nito.
Ang Four K Kakao Farm ng bayan ng Gumaca,Quezon ang gumagawa ng sikat na Tangerine na tsokolate na nakatanggap ng suporta mula noon sa Quezon Representative na ngayon ay Gobernador Angelina ‘Helen’ Tan. BONG RIVERA