QUEZONIAN AT WARAY PROUD KAY LT. GEN. CARLOS

MALAKI ang kumpiyansa ng mga taga-Quezon at Eastern Samar sa kakayahan ng kanilang “anak” na si Lt. Gen. Dionardo Carlos, ang kasalukuyang The Chief Directorial Staff o ikaapat na pinakamataas na opisyal sa Philippine National Police (PNP).

Kamakailan ay nabigyan ng parangal si Carlos bilang “Natatanging Lucenahin 2021” dahil sa marami niyang parangal at medalya ng katapangan, kagalingan at iba pang pang distinction sa larangan ng Police Operations, Investigation, Intelligence at Community Relations.

Bukod sa nasabing parangal, marami na ring pagkilala na natanggap si Carlos gaya ng pagiging 2009 Country’s Outstanding Policemen in Service (COPS) lifetime achievement awardee.

Noong 2013 kinilala rin siya bilang Honorable and Outstanding Police Enforcer (HOPE) awardee ng JCI Manila.

Holder din siya ng Award for Continuing Excellence in Service (ACES) noong 2014 at kinilala ng Civil Service Commission bilang 2019 Dangal ng Bayan sa Eastern Visayas.

Si Carlos ay highly-trained police officer, isang Tactical Firearms Instructor, Specialist on Protective Security or VIP Security Operations, a Rescue Diver, Motorcycle Chief Master Rider at seasoned Skydiver – na mga kaalamang dumaan sa matinding pagsasanay para maging lider.

Dahil sa kanyang katangi-tanging taglay, kumpiyansa ang kanyang mga kababayan sa Quezon at sa Eastern Samar na fit na siya para maging lider ng kanilang organisasyon, ang PNP.

Si Carlos na dating tagapagsalita ni dating PNP Chief at ngayon Senator Ronald Dela Rosa ay miyembro ng Philippine Military Academy Maringal Class of 1988.

Nalibot na niya ang iba’t ibang yunit sa PNP at na-deploy sa mga critical assignments sa Luzon, Visayas at Mindanao kung saan napalaban din siya sa Abu Sayyaf at New People’s Army.

Nahubog ang karanasan sa paglaban sa droga, dahil kabilang siya sa pioneer na na-assign sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Dalawang beses sumali sa United Nations Peacekeeping Missions sa Cambodia at East Timor.
Mayroon ding trainings sa abroad gaya ng Advance Management Course, Crisis Response Team Training, Supervisory Criminal Investigation Course at Criminal Intelligence Analysis Course.

Nakapagtrabaho sa kanyang counterparts mula sa United States DEA, US Marshals, FBI, at Australian Federal Police. EC