QUEZON’S MOST WANTED PERSON NASAKOTE NG CL, CALABARZON POLICE

arrested bomb jokes

ARESTADO ang isang la­laking most wanted person sa Quezon dahil sa kasong rape makaraang makorner ito ng pinagsanib na puwersa ng mga pulisya ng Central Luzon at Calabarzon sa kanyang pinagtataguan sa Barangay Calasag, San Ildefonso, Bulacan kama­kalawa.

Kinilala ni P/Senior Supt.Chito G. Bersaluna, Bulacan police director,ang naarestong suspek na si Bryan Ravano y Serafines, nasa hustong gulang ng Barangay Gaerlan,San Ildefonso na most wanted person sa Infanta Municipal Police sa ­Quezon Province dahil sa kasong rape na kanyang tinakasan.

Nabatid na nagsanib-puwersa ang San Ildefonso police, Bulacan Police Provincial Office(BPPO), Infanta police at Quezon Police Provincial Office upang tugisin ang suspek na si Ravano sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon Judge Agrepino R. Bravo ng RTC Branch 55 ng Infan-ta,Quezon sa kanyang hide-out sa Barangay Calasag.

Hindi na nakapalag ang suspek nang makorner siya ng awtoridad na nagsagawa ng manhunt operation dahil sa kasong rape at walang inirekomen-dang piyansa para sa pansamantalang paglaya habang inilipat na sa panganga­laga ng Infanta Municipal police ang suspek  na sampung buwang nagtago sa kasong kinakaharap.

“The days of these persons sought by law are numbered as we will not stop our campaign to hunt them down. We will continue to find, arrest and put them behind the bars of justice as we vow to eradicate all forms of lawlessness in the region,” ayon kay P/Chief Supt. Joel Napoleon M. Coronel, Acting Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO3).    A. BORLONGAN

Comments are closed.