QUIBOLOY DINALA NA SA PH HEART CENTER

Dinala na  sa Philippine Heart Center nitong Sabado si KOJC founder Apollo Quiboloy.

Pinayagan ng Pasig Regional Trial Court Branch 159 ang medical furlough extension ng pastor hanggang sa Nob­yembre 27.

Inaasahan na babalik sa custodial facility ng Philippine National Police (PNP) si Quiboloy sa naturang petsa alinsunod na rin sa order mula sa korte.

Nauna ng hiniling ng kampo ni Quiboloy na palawigin pa ang kaniyang medical furlough dahil sa impeksiyon mula dental implants ng pastor.

Matatandaang isinugod ang pastor sa naturang ospital matapos na makaranas ng irregular heartbeat.