QUIÑAHAN SINIBAK NG NLEX

pba

TINANGGAL na ng NLEX Road Warriors si JR Quiñahan sa kanilang line-up dahil sa paglalaro nito sa “ligang labas.”

Nagpasya ang team management na i-terminate ang kontrata ni Quiñahan dahil sa ilang paglabag sa kanyang Uniform Players’ Contract (UPC).

“Following a thorough investigation, it was found that Quiñahan had committed several infractions of his Uniform
Players’ Contract, including, among others, playing in unsanctioned games without seeking clearance from NLEX management and the Philippine Basketball Association,” pahayag ng NLEX sa isang statement.

“Quiñahan is now a free agent and may sign with any PBA team. The NLEX Road Warriors thank Quinahan for his services to the team and wish him luck in his future endeavors.”

Si Quiñahan ay kabilang sa mga pinagmulta ng PBA dahil sa kanilang ‘ligang labas’ stints.

Ang NLEX player ay pinagmulta ng P50,000 at karagdagang P20,000 dahil sa kanyang pagkakasangkot sa away sa
isang unsanctioned game sa Cebu.

Si Quiñahan ay nasa NLEX magmula pa noong 2017.

Ang veteran big man ay huling naglaro para sa NLEX sa 2022-23 Philippine Cup, kung saan may average siya na 11.8 points, 4.5 rebounds, at 2.5 assists per game. Dahil sa injuries ay hindi siya nakapaglaro sa sumunod na dalawang conferences.