QUIZON, GARCIA NAPANATILI ANG LIDERATO SA NATIONAL CHESS CHAMPIONSHIPS

NAGTALA sina International Masters Daniel Quizon at Jan Emmanuel Garcia ng contrasting victories sa third round upang mapanatili ang liderato sa Philippine National Chess Championships, na tinawag na  “Battle of the Grandmasters,” sa Marikina Community Convention Center noong Huwebes ng gabi.

Ginapi ni Quizon si Samson Chiu Chin Lim III sab64 moves ng Sicilian encounter habang pinataob ni Garcia si Jerish John Velarde sa 33 moves ng English Opening.

Sina unbeaten Quizon at Garcia ay may one-point lead sa grupo nina  Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna, FIDE Masters Christian Gian Karlo Arca atb Mark Jay Bacojo, at GM John Paul Gomez.

Nakipag-draw si 14-year-old Arca, nagwagi sa World Youth blitz sa Italy noong nakaraang buwan, kay  Frayna sa 30 moves ng Three Knights match.

Na-split nina Bacojo, 17, at Olympiad veteran Paulo Bersamina ang  points sa 67 moves ng Slav encounter habang nauwi rin sa draw ang laban nina  Gomez at GM Darwin Laylo matapos ang 26 moves ng isa pang Slav game.

Sa iba pang laro, tinalo ni IM Barlo Nadera si WIM Marie Antoinette San Diego sa 61 moves ng Benoni habang nakipag-draw sinGM Joey Antonio kay Vince Angelo Medina matapos ang 68 moves ng Modern Defense.

Makakaharap nina Quizon at Garcia sina Laylo atbNadera, ayon sa pagkakasunod, sa fourth round ng event na itinataguyod nina Marikina City Mayor Marcy Teodro at Congresswoman Maan Teodoro.

Tatlong slots sa 2024 World Chess Olympiad sa Budapest, Hungary at P120,000 cash ang nakataya sa torneo na  suportado nina National Chess Federation of the Philippines (NCFP) chairman and president Prospero Pichay, Jr., Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino, Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann, Eugene Torre Chess Foundation, at Pan de Amerikana’s Jundio Salvador.

CLYDE MARIANO