IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco D. Marbil na repasuhin at imbestigahan ang isiniwalat ni Lt. Col. Jovie Espenido na “quota and reward” system sa ipinatupad na Oplan Double Barrel sa panahon ng Duterte administration.
Sa official statement ni Marbil kahapon, idiniin nito ang kaseryosohan at bigat ng alegasyon na nakakaapekto sa isipan ng publiko at imahen ng PNP.
Tiniyak din ni Marbil sa publiko ang isang malalim na imbestigasyon.
“I assured the public that a thorough investigation would be conducted as part of an ongoing comprehensive assessment and evaluation by the PNP’s oversight bodies,” pahayag ng PNP chief.
Pamumunuan ng Office of the Deputy Chief PNP for Operations (ODCO) ang imbestigasyon habang kasama ang PNP Quad Staff, the Internal Affairs Service (IAS) at Human Rights Office.
“We take these allegations with the utmost gravity. The review panel, which is led by the Office of the Deputy Chief PNP for Operations (ODCO) and composed of the PNP Quad Staff, the Internal Affairs Service (IAS), and the Human Rights Office, has been tasked to thoroughly assess and evaluate Oplan Double Barrel, including Lt. Col. Espenido’s disclosures,” ayon pa kay Marbil.
Magiging bahagi ng pagrepaso ng review panel ang pagbusisi sa naging kampanya sa droga ng PNP noong 2016 hanggang 2022 upang matukoy kung tumugon sa legal standards and ethical guidelines.
“Our objective is to address any concerns, ensuring that the PNP’s anti-drug operations are conducted in a manner that upholds the rule of law and respects human dignity,” diin ni Marbil.
Aminado ang kasalukuyang liderato ng PNP na ang pagrepaso sa drug war noon ng PNP ay krusyal o mahalaga sa mga susunod na estratehiya ng organisasyon at pamahalaan sa paglaban sa droga at kakailanganin para sa transparency, accountability, at protection of human rights.
“We are committed to a drug-free Philippines, but it must be achieved through methods that are just and humane,” dagdag pa ni Marbil.
EUNICE CELARIO