NAIS ni Deputy Speaker Paolo Duterte na ipawalang bisa ang Republic Act No. 10912 o ang “Continuing Professional Development (CPD) Act of 2016.” na isinulong ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na nagsisilbing pahirap ngayon sa mga professional.
Ayon kay Duterte, sa pagbubukas ng session sa Kongreso sa Mayo 4 ay maghahain siya ng panukala para i-repeal ang RA.10912 na ang author si ay Trillanes.
Sinabi ni Duterte, bagamat suportado niya ang ‘lifelong learning’ ng mga propesyonal upang higit pang pagbutihin ang kanilang kaalaman, naniniwala naman aniya siyang ang mga requirement na itinatakda ng naturang batas ay dagdag pahirap lamang sa mga ito.
Giit niya, maaari namang matulungan ang ating mga propesyunal na makaabot sa global standards sa pamamagitan ng ibang mga pamamaraan at hindi na masyadong pinahihirapan pa ang mga ito.
Sinabi pa ng mambabatas na ang naturang panukala ay magsisilbi ring paraan ng pagpapasalamat sa mga professional frontliners na patuloy na nagkakaloob ng serbisyo sa bansa, lalo na ngayong panahon ng krisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“We have witnessed the selfless acts of our professional frontliners. They do not deserve the CPD law,” dagdag pa ni Duterte.
“This is long overdue. We will not just file it for the sake of filing. We will file this bill, seek support from our colleagues in Congress, and make sure that this is enacted as soon as possible,” giit pa ng mambabatas.
Comments are closed.