RABIES OUTBREAK NAIULAT SA ILANG LUGAR

TINAWAG  ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na “cause for “concern” ang rabies outbreak na idineklara sa mga bayan ng Boac at Buenavista sa Marinduque.

Dalawa na ang naiulat sa mga naturang probinsya ang namatay sa rabies.Naiulat na rin na bukod sa aso at pusa, nakita na rin umano ang rabies sa baboy at baka. Minabuti na rin ng kalihim na hindi na muna ideklara kung saang lugar ito natukoy upang hindi na magdulot ng “panic” sa kanyang pakikinayam sa media sa food security cluster communications workshop sa Philippine Rice Research Institute in Science sa Nueva Ecija.

Ayon kay DA Assistant Secretary for livestock Constante Palabrica, 20 porsiyento ng mga kaso ng rabies sa mga lalawigan ay hindi na naire-report dahil sa mas mababa umano sa 50 porsiyento ang vaccination rate rito.

Ayon kay Palabrica, hihiling ng P200 milyon na budget ang kagawaran sa susunod na taon para sa pagsugpo ng rabies sa livestock.

Sa ulat ng Department of Health (DOH) ay 84 katao na ang nasawi sa rabies mula noong Enero ng taong kasalukuyan at may isang Pilipino ang nasasawi dahil dito kada araw.

Sa animal disease investigation sa Marinduque, 89 ang reported na kaso,42 ang lab test positive, 34 ang suspected rabies cases na naitala, 2 ang taong nasawi dahil dito, base sa record ng Marinduque Provincial Veterenarian office.

“Nag start yung outbreak sa bayan ng Boac..nag spill over na ito sa bayan ng Gasan.Nag spill over na rin ito sa northern part, yung bayan ng Mogpog..Mabilis ang pagkalat ng rabies sa bayan ng Buenavista,” ayon kay Dr.Josue Victoria, Provincial Veterenarian sa bayan ng Marinduque sa isang televised interview.

Hindi lang sa aso at pusa,dalawang baka at tatlong baboy ang nagpositibo sa rabies sa naturang lalawigan.Pati isang Philippine brown deer ay nagka- rabies ayon sa ulat.

“You need a rabid dog or cat to transfer the virus and by biting other animals.You transfer it, nanggagaling lahat sa aso at pusa,”ayon kay Palabrica.

Tiniyak naman ng mga opisyal ng DA na wala pa namang mga taong may kaso ng pagkakasakit kung may nakain man ang mga itong infected na hayop.

Ayon kay DOH Undersecretary Eric Tayag, hindi nabubuhay ang virus kung patay na ang hayop, pero kung ang utak ng hayop ang niluto ay naroon aniya ang virus at wala sa mismong karne. Hindi rin inirerekomenda na kumain ng infected na karne.

“May possibility na ma -transfer pag kinain yung animal na infected…That’s why we are very careful in NMIS in approving pork and cattle.Kailangan may tatak NMIS pag bumbili ka ng baboy at baka,”ayon kay Palabrica.

Dahil dito idineklara ng nasa ilalim ng state of calamity ang lalawigan ng Marinduque dahil sa rabies outbreak.

Sa huling ulat ng DOH, tumataas din anya ang naitatalang kaso ng rabies sa Ilocos region.Mula sa 3 kaso ng nakaraang taon mula Enero hangang Marso. Anim na anya ang naitalang kaso sa rehiyon mula ng Enero hanggang Marso ng taong kasalukuyan.

Nakikipagpulong na si Sec. sa mga eksperto sa Bureau of Animal Industry upang mapag usapan ang naturang sitwasyon.Sa datus ng DA 22 milyon ang aso at pus ana kailangang bakunahan ng anti-rabies. MA. LUISA Macabuhay-Garcia