RABIYA AGAW-PANSIN SA INIRAMPANG GOWN AT SWIMSUIT

Showstopper.

Ganito inilarawan ng mga netizen mula sa iba’t-ibang social media platform ang pagrampa ng pambato ng Filipinas na si Rabiya Mateo sa Miss Universe 2020.

Rumampa si Rabiya suot ang bright yellow gown para sa pageant preliminaries na dinisenyo ng Dubai-based Filipino designer na si Furne Amato.

Sa Instagram account ng nasabing designer, idinetalye nito na embedded ng Swarovski crystals ang gown na isinuot ni Rabiya at sinisimbulo nito ang araw sa bandila ng Filipinas na sumasailamin naman sa positivity at optimism.

Kabilang naman sa mga pumuri kay Rabiya ay si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Unang inirampa ni Rabiya ang dilaw na swimsuit at naging agaw pansin din siya rito. DWIZ882

4 thoughts on “RABIYA AGAW-PANSIN SA INIRAMPANG GOWN AT SWIMSUIT”

Comments are closed.