RABIYA MATEO KAY CELESTE CORTESI NA LUMABAN SA PAGEANT

AYAW pa sa­nang lumaban ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi ngayong taon dahil hindi pa siya handa pero sinabihan daw siya ni Miss Universe Phi­lippines 2020 Rabiya Mateo na kahit kailan, hindi siya magiging handa kaya dapat lumaban na siya.

Ayon sa Filipino-Ita­lian beauty queen, sinabihan daw siya ni Rabiya na swertihan lang ang laban at kung matalo man siya ngayon, meron pang mga susunod na taon.

Ngayon umano ay laking pasasalamat niya kay Rabiya sa paghimok nito sa kanya, dahil nakopo nga niya ang korona.

KAKI PANGILINAN ISINUSUKA SI BBM

Bakit hindi yata napangaralang mabuti ng magulang si Kakie Pangi­linan, anak nina Megastar Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan, na prenuhan ang kanyang bunganga dahil hindi naman niya alam ang totoong nangyayari sa pulitika.

Forgi­vable yung sinuportahan niya ang kanyang ama at si Leni Robredo noong kampanya dahil syempre, ama niya yon, pero hindi ba siya marunong tumanggap ng pagkatalo na may protesta pang nalalaman sa harap ng Palacio Del Gobernador sa Intramuros, Manila, na siyang opisina ng Commission on Elections (COMELEC). Lahat halos ng presidentiables nag-concede na, pati si Panfilo Lacson na beterano sa labanan. Kahit nga si Isko Moreno na bumatikos ng husto kay Bongbong Marcos noong panahon ng eleksyon, nag-concede na rin. E si Kiko, mahigit 20 million ang lamang ni Sara Duterte, aapela pa si Kakie? Kahit kay Leni Robredo, tabladong tablado. Landslide – ano pa ang angal nila? Pag natalo, dinaya agad?

Granted na umalma nga si Kakie at nag-rally sa COMELEC dahil isinusuka niya si BBM. May magagawa ba siya? 68 million Filipinos ang bumoto, at majority nito, kay BBM. Kunwari na lang, nagkadayaan nga sa Makati nang masita  ang mga PCOS machines, e paano ang Cebu, Pa­ngasinan, Cavite, Laguna, Batangas at iba pa na hindi naman nasiraan ng machines at hindi rin nag-brownout? Nagkadayaan din? Mag-isip ka nga anak ni Kiko.

Sa partial and unofficial tally ng presidential election results as of 11:32 p.m. ng May 10, nakakuha ng boto si Ferdinand Marcos Jr. na 31,052,840; Leni Robredo, 14,800,450; Manny Pacquiao, 3,627,995; Isko Moreno, 1,891,865; at Ping Lacson, 881,243. Granting na ang natitira pang mahigit 10 million uncounted votes noong mga oras na iyon ay kay Leni lahat mapupunta, sa laki ng lamang ni BBM, hindi pa rin makakahabol. Me angal pa?

Ayon naman kay Comelec Commissioner George Garcia, sa May 23 pa magsisimula ang canvassing ng Senado at Kongreso ng mga botong nakuha ng mga kandidato para sa pagkapresidente at pagkabise-presidente, at inaasahang matatapos ito sa June 3, 2022.

PAALAM FANNY SERRANO

Kaaalis lang ni Gloria Sevilla, sumunod na agad si popular make-up artist, stylist, fashion designer, at aktor na si Fanny Serrano nitong May 10, 2022. Siya ay 74 taong gulang.

Pakikiramay ang hatid ng Pilipino Mirror sa kanyang anak na si Maktin Miranda, at sa lahat ng kanilang kapamilya.

Nagsimula sa wala, nakamit ni Serrano ang katanyagan na walang niyayapakang sinuman. Hindi lamang siya mahusay na make-up artist kundi mahusay ring umarte sa TV at pelikula. Noong March 2021, nagkaroon ng massive stroke si Fanny at nanatili sa Philippine Heart Center.

KARLA ESTRADA WAGI, PAG-CONG­RATULATE KAY ROMMEL PADILLA WOW MALI

Sa sobrang tuwa niKarla Estrada na nanalo siya bilang partylist representative sa katatapos na eleksyon, pati mga natalong kasamahan sa industriya, kasama na ang ex na si Rommel Padilla, na-congratulate niya.

Nakapasok si Karla Estrada sa ikatlong puwesto ng Tingog party-list kaya sobrang tuwa talaga niya.  Binati pa niya si Rommel na hindi pala nanalo sa pagkakongresista sa Nueva Ecija. Pero kahit na-wow mali si Karla, at least, totoo namang may nanalong Padilla – si Robin Padilla na number 1 senator pa.