DUMATING na sa Los Angeles, California ang Pinay beauty queen na si Rabiya Mateo para sa pre-pageant activities ng Miss Universe 2020.
Nakatakdang harapin ng 24-anyos na Ilongga ang 80 kandidata mula sa buong mundo.
Sumakay si Rabiya sa kanyang flight patungong Amerika Biyernes ng gabi Abril 9, 2021, kasama sa kanyang team si Miss Universe Philippines’ creative director Jonas Gaffud.
Nag-post pa ito sa kanyang Instagram ng, “Lalaban para sa bayan.”
Sa Mayo 2021 ang grand coronation night sa City of Hollywood in Florida.
Matatandaang buong tiwalang sinabi ni Miss Universe Pia Wurtzbach na nakikita nito kay Rabiya ang mga katangiang pang-Miss Universe.
Sa kanya namang interview ay sinabi ni Rabiya na:”Ipinapangako ko po na gagawin ko po lahat ng posibleng gawin para maiuwi ulit natin ang korona sa bayan.
“Mahal ko kayo at please po, ipaagdasal niyo ako at suportahan sa laban na ito.” NENET V
striplife.ru