NAHULI man sa simula, humaribas ang Radio Bell sa ratsadahan tungo sa impresibong panalo sa 2021 PHILRACOM 2-Year-Old Juvenile Championship nitong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Nasa terso sa simula ng bitaw, humarurot ang Radio Bell, sakay si Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of tne Year awardee Jonathan Hernandez tungo sa panalo laban sa matitikas na karibal tulad ng Victoriousprincess at Enigma Uno.
Naitala ng Radio Bell, mula sa lahi ng Sakima at Radioactive Love, ang bilis na 1:41.4 minuto (24’-24-25-28) sa 1,600 meter race upang siluhin ng horse owner na si Elmer De Leon ng Bell Racing Stable ang premyong P1.2-M sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli de Leon.
Nasungkit ni Enigma Uno ang P450,000 habang napunta ang P250,000 at P100,000 sa third at fourth placers na Rap Bell at Victoriousprincess, ayon sa pagkakasunod
“Congratulations to the connections of Radio Bell. 1:41.4 time for 1600 in a bad track condition is impressive. It goes to show she is a strong contender for the triple crown series next year,” pahayag ni De Leon.
“I would also like to congratulate the Philippine Race Horse Trainers Association for their successful racing festival today !” dagdag pa niya. EDWIN ROLLON