RADIO BROADCASTER DEDO SA RIDING IN TANDEM

baril

PANGASINAN – NAPATAY ang 62-anyos na radio broadcaster na nagdaos ng kanyang kaarawan noong Sabado makaraang ratratin ng riding-in -tandem sa Sitio Licsab, Barangay San Blas sa bayan ng Villasis ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Sa ulat ng pulisya,  naisumite sa punong himpilan ng Philippine National Police  sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Virgilio “Vir” Maganes, broadcaster ng DWPR Radio Station sa Dagupan City at kolumnista ng weekly Northern Watch newspaper.

Si Maganes ay naglalakad pauwi bandang alas- 6:45 ng umaga nang lapitan at ratratin ng raiding in tandem na siyang agarang ikinamatay nito.

Ayon kay P/Major Fernando Fernandez ng Pangasinan police information office, narekober sa crime scene ang 6 bala ng cal. 45 pistol

Unang pinagtangkaan ang buhay ni Maganes noong Nobyembre 8, 2016 nang ratratin din ng riding-in- tandem gunmen habang pasakay ng traysikel na nagpatay-patayan na lamang ito upang hindi na balikan ng mga salarin.

Ayon sa  NUJP, isang karatula ang naiwan malapit sa crime scene na may naka sulat: “Drug pusher huwag pamarisan” na hinihinalang taktika lamang ng gunmen para iligaw ang imbestigasyon sa tunay na motibo ng pamamaril.

Samantala, bumuo na ng Special Task Group Maganes si Ilocos region police director Brig. Gen. Rodolfo Azurin Jr. upang magsagawa ng malawakang Dragnet operation laban sa killers. VERLIN RUIZ/MHAR BASCO

Comments are closed.