RADIO COMMENTATOR PINATAY SA SAKSAK

LANAO DEL NORTE- NALILIGO sa sariling ng dugo nang matagpuan sa loob ng kanyang bahay ang isang radio commentator kamakalawa ng umaga sa Barangay Poblacion, bayan ng Bacolod sa lalawigang ito.

Sa ulat Bacolod Municipal Police Station , pinatay sa saksak ang radio commentator na si Audrey Estrada.

Sa ulat na isinumite ni Maj Mohammad Doro, Officer In-Charge ng Bacolod MPS, at MSg Junas Repayo, IOC ay sinasabing patay na ang biktima nang matagpuan sanhi ng 15 saksak na tinamo nito sa ibat ibang bahagi ng katawan gamit ang 13-inch-long kitchen knife na nakita sa crime scene.

Sinubukan pang itakbo sa pagamutan ang biktima matapos na makitang nakahandusay sa ikalawang palapag ng kanilang bahay subalit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Natagpuan sa crime scene ang kutsilyong gamit sa pananaksak kay Estrada pero hinugasan na ito.

Sinasabing walang nakakita sa pananaksak kaya sa kasalukuyang ay blangko pa ang mga awtoridad sa kakilanlan ng salarin.

Ayon kay Doro, inaalam pa ang motibo ng pagpatay at kung may kinalaman ito sa trabaho ng biktima.
“Pero may person of interest na kami. Nag-iimbestiga pa rin kami sa nangyayari,”anang opisyal

Si Estrada ay komentarista ng 101.3 Grace Covenant FM.

Sa social media naman idinaan ng mga kasama nito sa radyo ang paghingi nila ng hustisya.

Nag-alok ng P20,000 na pabuya sa makakapagbigay ng impormasyon sa krimen si municipal administrator Engineer Joselito Miquiabas.

Kaugnay nito , mariing kinondena ng Malacañang ang brutal na pagpatay kay Estrada,.

“The government condemns in the strongest possible terms the killing of radio broadcaster Audrey Estrada, pahayag kahapon ni Undersecretary Jose Joel Sy Egco, Executive Director of the Presidential

Task Force on Media Security (PTFoMS), .

“We send our deepest condolences to the family, loved ones, and colleagues of Ms. Estrada. Rest assured that this government will not rest until the perpetrator of this heinous crime is brought to justice, ayon pa kay Egco. VERLIN RUIZ