PALAWAN – MAGTATAYO ng radio station sa Pag-Asa Island na sakop ng munisipyo ng Kalayaan sa lalawigang ito.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana nang magtungo sa nasabing isla para pangunahan ang inagurasyon ng bagong gawang beaching ramp sa Isla.
Layon nito na mabigyan ng impormasyon ang mga mangingisda patungkol sa ulat panahon gayundin ang mga impormasyon patungkol sa kapaligiran na makakatulong sa buong komunidad.
Ani Lorenzana, maaring talakayin sa itatayong radio station ang pagturo sa mga mangingisda na gumawa ng mga matitibay na bangka na maaring pantapat kapag hinaharangan sila ng mga Chinese vessel.
Nabatid naman na ang Pag-Asa Island ay isa sa mga isla sa West Philippine Sea na inaangkin ng China at Vietnam. REA SARMIENTO
Comments are closed.