Mga laro ngayon:
AUF Gym
4 p.m. – TNT vs Phoenix
6:45 p.m- Terrafirma vs San Miguel
HINDI mapigil ang pananalasa ng Rain or Shine na sinungkit ang ikatlong sunod na panalo nang maungusan ang wala pang panalo NorthPort, 70-68, at somosyo sa ledirato sa Talk ‘N Text sa PBA Philippine Cup kagabi sa Angeles University Foundation gym sa Pampanga.
Hindi madali ang pag-angat sa 3-0 marka ng Elasto Painters na sumandal sa dalawang free throws ng kaliweteng si Rey Mambatac upang iposte ang come-from-behind win.
“NorthPort gave us a hard time. It’s pretty good Rey (Mambatac) made his two free throws and save the game for us,” sabi ni coach Caloy Garcia.
Nakalulungkot ang pagkatalo ng NorthPort na dinomina ang laro ngunit kusang bumigay sa huli sa lungkot ni coach Pido Jarencio.
Tumawag ng time out si Jarencio sa huling 1.3 segundo sa hangad na maisalba ang laro. Subalit sumablay ang kanilang huling tira at nalasap ng Batang Pier ang ikatlong sunod na kabiguan at nanatili sa ilalim ng standings kasama ang NLEX Road Warriors.
Unang nagpakawala ang RoS ng 5-0, kabilang ang tres ni James Yap. Subalit biglang nanlamig ang opensiba ng Elasto Painters at naghabol sa 7-18 at 12-25 at tinapos ng Batang Pier ang first half na abante sa 38-32.
“They couldn’t find their bearing and committed lapses in the early going. They recovered just in time,” sabi ni coach Garcia.
Na-outscore ng RoS ang North sa second half tungo sa pagposte ng panalo.
Nanguna si Adrian Wong para sa Elasto Painters na may 15 points, kabilang ang tres na nagbigay sa Rain or Shine nh 63-52 lead, may 5 minuto ang nalalabi, habang nag-ambag si Sidney Onwubere ng 11 points at 5 rebounds mula sa bench, at tumapos si Nambatac na may 10 points, 6 rebounds, at 6 assists,
Nagtala si Christian Standhardinger ng 13 points at 11 rebounds, at gumawa si Sean Anthony ng 13 points at 12 rebound para sa Batang Pier.
CLYDE MARIANO
Iskor:
Rain or Shine (70) – Wong 15, Onwubero 11, Nambatac 10, Mocon 6, Dolliguez 6, Yap 5, Torres 5, Belga 5, Arana 3, Norwood 2, Rivero 0, Rosales 0, Tolentino 0, Borboran 0.
NorthPort (68) – Anthony 13, Lanete 13, Standhardinger 3, Revilla 7, Taha 4, Manganti 3, Cruz 3, Elorde 2, Subido 0, Grey 0, Guinto 0, Ferrer 0.
QS: 14-25, 32-38, 46-40, 70-68
Comments are closed.