Mga laro ngayon:
AUF Gym
10 a.m. – NLEX
vs Terrafirma
1 p.m. – NorthPort
vs Meralco
4 p.m. – Magnolia
vs Blackwater
6:45 p.m. – Phoenix
vs Rain or Shine
HINDI na pinatagal pa ng Rain or Shine ang pananabik sa kung anong koponan ang ookupa sa huling quarterfinals seat makaraang itarak ang 80-74 panalo laban sa TNT Tropang Giga kagabi sa PBA Philippine Cup bubble play sa Angeles University Foundation sa Pampanga.
Sinindihan ni James Yap ang kanilang mainit na simula na may 16 points sa first half, at naging matatag ang Elasto Painters hanggang sa huli
upang gapiin ang Tropang Giga at kunin ang huling puwesto sa quarters na may isang laro pa ang nalalabi.
Sumuporta kay Yap sina fellow veterans Beau Belga, Gabe Norwood at Mike Borboran para sa krusyal na panalo ng E-Painters, na sinibak ang NLEX Road Warriors sa kontensiyon.
Sinamahan ng ROS ang Barangay Ginebra, TNT, Phoenix Super LPG, San Miguel Beer, Alaska Milk, Meralco at Magnolia sa post-elims play, habang tanggal na ang NLEX, kasama ang Blackwater, NorthPort at Terrafirma.
“We’re thinking TNT has secured a spot in the next round at baka mag-relax iyan sa simula. We don’t know the quotient that they need but we just have to be hungrier. It gave us the opportunity that we’re able to grab,” wika ni Rain or Shine coach Caloy Garcia.
Makakasagupa ng tropa ni Garcia ang Fuel Masters sa pagtatapos ng elims ngayong araw. Sinabi ni Garcia na sisikapin nilang manalo dahil maaari itong magbigay sa kanila ng Top Four finish.
“There’s still the possibility of us ending in the Top Four. Susubukan namin kunin,” ani Garcia.
Nagkumahog nang husto ang Tropang Giga sa pagkawala ni injury-hit Jayson Castro sitting out the game.
Nagawa nilang lumaban subalit kumulapso sa endgame para tapusin ang elims na may 7-4 kartada.
Makaraang maglaro ng catch-up basketball sa maraming pagkakataon, naitabla ng Tropang Giga ang talaan sa 72-all sa tres ni Bobby Ray Parks.
Subalit hindi tumiklop ang E-Painters at sumandal kina Jvee Mocon at Norbert Torres para sindihan ang 8-2 windup tungo sa outright playoff entry.
Tumapos si Mocon na may 16 markers at 10 rebounds sa double-double outing, habang nagdagdag sina Belga at Borboran ng 12 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.
Nakamit nina Norwood at Yap ang career milestones. May 5 rebounds, si Norwood ay naging ika-55 miyembro ng 3,000-rebound club.
Samantala, si Yap, kumana ng 4-of-7 mula sa three-point area, ay tumabla kay Ronnie Magsanoc sa third sa PBA all-time three-point ladder na may 1,171. CLYDE MARIANO
Iskor:
RAIN OR SHINE (80) – Yap 16, Mocon 16, Belga 12, Borboran 10, Norwood 9, Rosales 6, Ponferada 5, Torres 4, Onwubere 1, Arana 1, Wong 0, Nambatac 0
TNT (74) – Rosario 18, Erram 14, Parks 11, Enciso 9, Pogoy 9, Vosotros 6 Washington 4, Semerad 3, Carey 0, De leon 0, Alejandro 0, Montalbo 0, Flores 0
QS: 13-19, 43-38, 67-57, 80-74
Comments are closed.