RAIN OR SHINE WALANG HOLIDAY BREAK

MATAPOS ang two-game skid ay walang plano ang Rain or Shine na mag-holiday break.

Nalasap ang 95-92 pagkatalo sa TNT bago ang siyam na araw na pahinga ng PBA Governors’ Cup, ang  Elasto Painters ay patuloy na magpapalakas bago at matapos ang Bagong Taon sa pag-asang mapanatili ang porma sa pagpapatuloy ng season-ending meet sa Jan. 5.

Ang losing streak na sinamahan ng pagre-relax ngayong Kapaskuhan ang pangunahing ikinababahala ni Gavina.

“There’s no break for me. We’re on a two-game losing streak. But I did tell our guys that we have practice the next two days and we got a short little break,” sabi ni Gavina.

“But I told them don’t come back zero as we’re going up against a hungry NLEX team coming off a loss also.”

Magbabalik sa aksiyon ang Elasto Painters sa Jan. 6 kontra Road Warriors na determinado ring makabawi matapos na malasap ang unang kabiguan sa conference kontra Phoenix, 102-93, noong Christmas Day.

Inilarawan ni Gavina ang nalalapit na laro kontra   NLEX bilang isang ‘test of will,’

“It’s gonna really come down as to who kept themselves in better shape, more sharp after the break,” aniya. CLYDE MARIANO