‘RAINBOW’S SUNSET’ HUMAKOT NG AWARDS SA MMFF GABI NG PARANGAL

RAINBOW SUNSET

VERY successful ang Gabi ng Parangal ng 44th Metro Manila Film Festival (MMFF)sizzling bits na ginanap sa The Theater at Solaire Resorts & Casino last Thursday evening, December 27.  Hosted ito nina Mark Bautista, Yassi Pressman at Xian Lim.

Narito ang mga nanalo sa bawat kategorya mula sa walong official entries:

Best Picture – Rainbow’s Sunset (Heaven’s Best Entertainment); Second Best Picture  – Aurora (Viva Films & Aliud Entertainment); Third Best Picture – One Great Love (Regal Films).

Fernando Poe Jr. Memorial Award – Jack Em Popoy: The Puliscredibles (CCM Films, M-Zet Productions, APT Entertainment); Gat Antonio J. Villegas Cultural Award – Rainbow’s Sunset; Best Director – Joel Lamangan (Rainbow’s Sunset);

Best Actress – Ms. Gloria Romero (Rainbow’s Sunset); Best Actor – Dennis Trillo (One Great Love)

Special Jury Prize – Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset); Special Jury Prize – Max Collins (Rainbow’s Sunset);

Best Supporting Actress – Aiko Melendez (Rainbow’s Sunset); Best Supporting Actor – Tony Mabesa (Rainbow’s Sunset);

Best Child Performer – Phoebe Villamor (Aurora)

Best Screenplay – Eric Ramos (Rainbow’s Sunset);

Best Musical Score – One Great Love; Best Production Design – Jay Custodio (Rainbow’s Sunset); Best Sound Design  – Aurora; Best Visual Effects – Aurora; Best Cinematography – Aurora;

Best Float – Jack Em Popoy: The Puliscredibles

Male & Female Lucky Star of the Night – Jericho Rosales (The Girl In Orange Dress & Anne Curtis (Aurora).

May pakiusap ang “thank you” speech ni Direk Joel Lamangan ng pelikulang “Rainbow’s Sunset” sa Gabi ng Parangal ng #MMFF 2018.

“Sa bumubuo ng MMFF, maraming salamat sa pagkilalang ito. Salamat sa Heaven’s Best, kay Harlene Bautista.  Salamat sa lahat ng tumulong upang mabuo ang pelikulang ito.  Salamat sa lahat ng aking mga napakahuhusay na artista, ako’y napakapalad na magkaroon ng mga mahuhusay na artista sa pelikulang ito.

“Masarap tanggapin ito pero may kaunting sakit din.  Sakit dahil masakit, na sa harapan mo, unti-unting tinatanggal ang sinehan ng pelikula mo.

“Pero isang panalangin at isang pakiusap, sana sa mga susunod na panahon kung ano ‘yung napag-usapang numero ng mga sinehan na pagpapalabasan ay respetuhin ninyo! Huwag nating ipagkait sa mga manonood ng pelikula, huwag lang nating isipin ang komersiyo. Ang pelikula ay isang sining at ang si­ning ay kaluluwa ng tao, ng bayan.  Huwag lang nating patabain ang bulsa ng lahat ng mga may-ari ng sinehan, patabain natin ang kaluluwa ng ating bayan, ng mga Filipino.

“’Yun lang po, isang panalangin na sana po ay mapakinggan.  Maraming, maraming salamat po.”

ALDEN RICHARDS BACK FROM FAMILY VACAY IN JAPAN, NAG-REHEARSE AGAD PARA SA NEW YEAR COUNTDOWN

BUMALIK na si Alden Richards with his family last Friday evening from their vacationalden richards sa Japan.  At kahapon, December 30, back to work na si Alden dahil may rehearsals na sila para sa GMA New Year’s Countdown sa SM Mall of Asia (MOA) Seaside Blvd. ngayong Monday, December 31.  Makakasama ni Alden mag-host sina Kris Bernal, Andrea Torres, Betong Sumaya, Joyce Pring at Arra San Agustin.

Magsisimula ang show at 10:30 pm with performances sa maraming Kapuso artists led by Christian Bautista, Mark Bautista, Julie Anne San Jose, mga finalist ng The Clash with Grand Champion Golden Canedo.

Comments are closed.